Russian – European Mars mission, sinuspinde dahil sa giyera sa Ukraine

Inanunsyo ng European Space Agency na suspendido na ang Russian-European mission na naglalayon na makapagpadala ng rover sa Mars dahil sa sanctions na ipinataw sa Moscow dahil sa inilunsad nitong giyera sa Ukraine.

Sinabi ng ahensya na kinokondena nito ang human casualties at tragic consequences ng ginagawang pag-atake ng Russia sa Ukraine.

Mababatid na nakatakda sanang gawin ang mission sa Setyembre gamit ang Russian launcher at lander upang makapagpadala ng rover sa Mars na pwedeng maghukay sa lupa at maghanap ng signs of life.

Gayunman, sumagot naman ang Russian space agency Roscosmos sa EU sanctions sa pamamagitan ng pagsuspinde ng launches at pag-withdraw ng mahigit 100 ng empleyado nito mula sa spaceport ng Europe sa Kourou ng French Guiana.