Para sa Kremlin, hindi katanggap-tanggap at walang katumbas na kapatawaran ang komento kamakailan ni US President Joe Biden na tumukoy kay Russian leader Vladimir Putin bilang isang “war criminal”.
Ayon sa tagapagsalita ni Putin na si Dmitry Peskov, naniniwala sila na hindi katanggap-tanggap na magmumula ang nasabing mga salita mula sa isang head of state na may mga bomba na nakapatay na sa daan-daang libong katao sa buong mundo.

Dati nang tumanggi ang Biden administration na tukuyin bilang war crime ang Russian invasion dahil sa nagpapatuloy na imbestigasyon kaugnay sa sinabing pagpatay ng Russian military sa Ukranian civilians at pag-atake sa mga ospital, eskwelahan at residential buildings.
Mababatid na ang war crime ay labag sa mga batas ng giyera na nasa ilalim ng international law at treaties.