Wala pang nade-detect na “Deltacron” variant ng COVID-19 ang Department of Health sa Pilipinas.
Ayon sa DOH, handa na ang lahat ng safeguards at surveillance systems ng bansa nang unang beses na diskubre ang bagong COVID-19 variant sa ISrael.
Sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na mas marami ang naapektuhan ng Omicron variant base sa mga nakolektang samples sa pinakahuling genome sequencing.
Ipinunto ni Vergeire na kasama na rito ang backlogs noong 2021.
Iginiit rin ni Vergeire na meron rin ilan na nakitaan ng Alpha at Beta variants.

Base sa ulat ng mga eksperto, ay unang nadiskubre ang Deltacron sa isang laboratoryo sa Cyprus, at posibleng resulta ito ng laboratory contamination.
Inihayag naman ng IHU Mediterranee Infection sa Marseille, France na masyado pang maaga para masabi kung transmissible o nagdudulot ng severe disease ang Deltacron.