Inihayag ni Russian Foreign Minister Sergei Lavrov na nagsisimula na ang Moscow ng bagong stage ng tinawag nitong special military operation sa Ukraine.
Ayon kay Lavrov, nakatitiyak umano siyang ang naturang operasyon ay magiging sobrang mahalaga para sa buong special operation.
Samantala, nagsagawa naman ang pwersa ng Russia ng dose-dosenang air strikes sa eastern Ukraine.

Sinabi ng ministry na ang “high-precision air-based missiles” ay tumama sa 13 Ukrainian positions sa ilang bahagi ng Donbas, at ang isa pang air strikes ay tumama sa 60 military assets ng Ukraine.
Sinasabi ring nasira ng Russian troops ang dalawang warehouses na naglalaman ng warheads ng Tochka-U tactical missiles sa Chervona Polyana, sa rehiyon ng Lugansk, at sa Balakliia sa Kharkiv region. //MHEL PACIA-TRINIDAD