Maria Ozawa, magbabalik sa PH para sa ‘one night only’ event

Magbabalik sa Pilipinas si Maria Ozawa ngayong linggo.

Ang Japanese actress ang mangunguna sa event na “One Night Only: Live in Manila” na gaganapin sa Okada Manila, Parañaque City sa Biyernes.

Sa isang pahayag, sinabi ni Ozawa na excited siya para sa naturang event, at ito umano talaga ang kanyang gustong gawin.

Mababatid na kamakailan, nakipag-collaborate si Ozawa sa gaming entertainment platform M88 Mansion para sa “Maria’s Room,” isang portal na nag-aalok ng popular online casino games, kabilang na ang Bikini Party, Football Baby, at iba pa.

Ayon kay Ozawa, isa sa mga layunin ng event ay ipakita ang Maria’s Room workout kits.

Matatandaan na noong 2015, sinabi ng aktres na ikinokonsidera niya ang Pilipinas bilang pangalawa niyang tahanan. //MHEL PACIA-TRINIDAD