Russia sa Ukrainian: Lay down arms ‘immediately’

Muling nanawagan ang Russia sa Ukrainian forces na agad ibaba ang kanilang mga armas, at muling nagbigay ng bagong ultimatum para sa mga defenders ng nakubkob na port city ng Mariupol, na bumitiw na.

Ang babala ng Russian defense ministry ay kasunod ng anunsyo ni Ukrainian President Volodymyr Zelenskiy hinggil sa pagsisimula ng bagong opensiba ng Moscow na nakatutok sa east ng dating Soviet state.

Hindi naman direktang nabanggit sa naturang pahayag ang bagong ground offensive sa eastern Ukraine.

Pero sa gitna nito, kinumpirma ni Russian Defense Minister Sergei Shoigu na ang kanyang pwersa ay dahan-dahang ipinapatupad ang kanialang plano na ma-liberate ang eastern Ukraine.

Nabatid na ang malalaking laban sa kampanya ng Russian ay nakatutok ngayon sa palibot ng strategic Sea ng Azov port city ng Mariupol. //MHEL PACIA-TRINIDAD