Ruffa Gutierrez, nakatakdang magtapos ng kolehiyo sa Hulyo

Nakatakdang magtapos sa kolehiyo ang aktres na si Ruffa Gutierrez sa darating na Hulyo, mahigit isang taon matapos niyang unang ibahagi ang pagpapatuloy ng kanyang pag-aaral.

Si Ruffa ay kasalukuyang kumukuha ng Bachelor of Arts Degree majoring in Communication Arts sa ilalim ng Expanded Tertiary Education Equivalency and Accreditation Program sa Philippine Women’s University.

Read More:  Cristine Reyes, Gio Tingson are Engaged

Sa kanyang pahayag noong May 2021, sinabi nitong matapos ang 34 na taon niyang pagta-trabaho sa entertainment industry, pinili umano niyang tapusin ang kanyang edukasyon.

Para kay Ruffa, hindi lang ito para matupad ang kanyang matagal nang pangarap, kundi nais niyang maging magandang halimbawa sa kanyang mga anak.

Read More:  Alex Gonzaga, Mikee Morada announce pregnancy

Mababatid na ang aktres ay nagsimula sa showbiz industry noong 1987, pero mas nakilala pa nang maging pambato ng Pilipinas sa 1993 Miss World pageant kung saan naiuwi niya ang 2nd runner-up.