Donaire-Inoue rematch sa April, malapit nang mangyari

Nararamdaman ni Top Rank CEO Bob Arum na ang rematch sa pagitan ni bantamweight champions Naoya Inoue at Nonito Donaire ay mangyayari sa susunod na buwan sa Japan.

Sa gitna nito, kailangan munang palipasin ni Arum at iba pang parties, ang mahigpit na travel restrictions na ipinapatupad ng Japanese government para pigilan ang pagkalat ng COVID-19.

Ayon kay Arum sa korte na ng Japanese government ang bola, kung ang laban sa pagitan ni Inoue na may hawak ng IBF, WBA, at Ring Magazine titles, at WBC champion Donaire ay mangyayari sa kanilang bansa.

Dagdag nito, wala rin masyadong magagawa ang Japanese promoters Hideyuki Ohashi at Akihiko Honda, para maaprubahan ang laban.