Elisse Joson, nagtrending sa Twitter dahil sa cryptic post kaugnay sa ‘hardship’

Top trending topic sa Twitter ang aktres na si Elisse Joson, matapos magpahayag ng pagkaalarma ang kanyang mga followers, hinggil sa Facebook post nito na tungkol sa pagiging ina.

Ito’y matapos na magbahagi si Joson ng cryptic statement sa Facebook kung saan binanggit nito ang “hardship” na kanyang pinagdadaanan sa kanyang anak.

Nakasaad dito na: “Akala ko OK na pero nakakapagod pala. Gabi-gabi na lang ako walang tulog. Babad sa isip ko kung paano matitigil ‘yung paghihirap namin ni baby,” post ng aktres.

Kaugnay nito, may kaparehong post rin si Joson sa kanyang Instagram Stories, pero sa pagkakataong ito ay may larawan na niya kasama ang anak na si Felize, kasabay ng caption na “Ano ba dapat ko gawin?”

Tila sumagot naman sa post ang partner na si Mccoy De Leon, na isinulat sa kanyang personal Facebook profile, at sinabing maya’t maya rin ang kanyang pag-che-check para siguraduhin na okay ang kanyang mag-ina at wala na rin umano siyang maayos na tulog.

Sa komento ng mga netizens may mga espekulasyon na posibleng ito ay feeding difficulties, postpartum depression, hindi magkakaintindihan nila ni de Leon.