DepEd sumulat na kay PRRD para sa pagpapalawig ng pilot face-to-face classes

Hindi pa man nagsisimula ang pilot implementation ng face-to-face classes kinumpirma ng Department of Education na sumulat na sila kay Pangulong Rodrigo Duterte para palawigin ito.

Ayon kay DepEd Director Roger Masapol lumiham sila para magpa-alam sa pangulo na mas damihan pa ang mga eskwelahan na makalahok sa pagbabalik ng in-person learning.

Read More:  Authorities search Angeles subdivision in Bato hunt

Sa ngayon kasi ay nasa 100 public schools pa lamang ang kasali sa pilot face-to-face classes na magsisimula sa Lunes, Nobyembre a-kinse.

Hindi kasama sa pilot areas ang Metro Manila, Cordillera Administrative Region, Region 2, at Region 4-B.

Read More:  Zubiri apologizes to Inday Badiday’s family

May 20 private schools naman ang magsisimula ang face-to-face classes sa November 22.

Sinabi ni Masapol na dahil sa patuloy na pagbaba ng bilang ng COVID-19 cases sa NCR posible umanong mapayagan ang pagsasagawa ng face-to-face classes sa naturang lugar.