Ronald Cardema, pinalitan na!

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr si Joseph Francisco Ortega bilang bagong Chairperson ng National Youth Commission.

Papalitan ni Ortega sa pwesto si Ronald Cardema.

Ayon sa Presidential Communications Office (PCO), ang pagkaka-appoint kay Ortega ay bahagi ng commitment ng administrasyon na bigyang kapangyarihan ang mga kabataang Pilipino at tiyakin na maririnig ang kanilang boses sa pinaka mataas na antas ng pamahalaan.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer
Read More:  Ex-DBM chief Pangandaman charged over PhilHealth fund transfer

Bago italagang NYC Chairperson, nagsilbi si Ortega bilang Regional Director ng Department of Tourism sa Region 1 mula taong 2019.

Samantala, itinalaga rin ni Pangulong Marcos si Karl Joseph Legazpi bilang 2nd Commissioner at-large ng NYC.