Rommel Padilla, positibo pa ring magkakabalikan ang Kathniel

Umaasa pa rin Rommel Padilla na magkabalikan ang kanyang anak na si Daniel Padilla at ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo.

Ayon kasi sa ama ni Daniel, naglaan na sila ng maraming oras at sakripisyo noon para maging maayos ang kanilang relasyon, at naniniwala siyang magagawa nila itong muli.

Dapat rin nilang timabing ang kanilang saloobin habang parehong single ang dalawa sa ngayon, at sa ganitong paraan, malalaman nila ang kasagutan kung dapat ba silang magbalikan.

Nauna nang itinanggi ni Rommel ang mga ulat noong Abril na pinipilit niya si Kathryn na makipagbalikan sa anak niyang inilalarawang “cheater son.”

Maalalang naghiwalay ang dalawa noong Nobyembre 2023 matapos ang 11 years.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *