Tsinong whistleblower ng COVID-19, palalayain na matapos ang apat na taon

Palalayain na ng mga awtoridad sa China ang isang citizen journalist na nakakulong sa loob ng apat na taon matapos niyang idokumento ang mga unang yugto ng pagsiklab ng coronavirus sa gitnang lungsod ng Wuhan noong 2020.

Tumungong Wuhan si Zhang Zhan noong unang bahagi ng 2020 mula sa Shanghai kung saan siya nakabase, at nag-post ng mga litrato ng masisikip na ospital at mga kalyeng nagmistulang ghost town dahil sa pandemya.

Pagkatapos ng ilang buwan, nakulong si Zhang noong Mayo 2020.

Nag-hunger strike siya noong huling bahagi ng Hunyo,, na nag-udyok sa mga pulis na taliin ang kanyang mga kamay at pilitin siyang pakainin gamit ang tubo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *