Dating Executive Sec. Ochoa, isu-subpoena na kung ‘di pa rin dadalo sa pagdinig

Hindi nakadalo si dating Executive Secretary Paquito Ochoa sa nangayaring pagdinig ng Senate Committee on Public Order and Dangerous Drugs, kaugnay sa umano’y PDEA leaks dahil nagpositibo siya sa COVID-19.

Binigyan naman ni Sen. Bato dela Rosa ng isang linggo si Ochoa para magpagaling pero kapag hindi pa rin siya sumipot ay iisyuhan na siya ng subpoena ng komite.

Ayon pa kay Dela Rosa, ito na sana ang huling pagdinig hinggil sa PDEA leaks pero magkakaroon pa ulit ng panibagong hearing dahil sa hindi pagdalo ni Ochoa.

Matatandaang idinawit ni dating PDEA agent Jonathan Morales si Ochoa sa isyu dahil siya umano ang nagpatigil sa imbestigasyon sa nag-leak na dokumento.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *