Romblon Gov. Riano pinasalamatan sina PRRD at Sen. Go dahil sa Malasakit Center

Pinasalamatan ni Romblon Governor Jose Riano sina Pangulong Rodrigo Duterte at Sen. Christopher Bong Go dahil sa pagkakatatag ng Malasakit Center sa kanilang probinsiya.

Sa isang facebook post inihayag ni Governor Riano na simula ng magkaroon ng Malasakit Center sa Romblon Provincial Hospital noong July 2020 at sa Romblon District Hospital noong September 2021 ay umabot na sa 7,447 ng kanyang mga kababayan ang natulungan na katumbas ng halos P35.6 million.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Sa panahon ng pandemya, sinabi ni Riano na naging malaking tulong ang Malasakit Center lalo na sa mga indigent upang makakuha ng medical assistance sa mga babayaran sa ospital.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Sa halip na problemahin umano ang hospital bills ay halos libre o zero balance na lamang ang natitira.

Magugunitang noong 2019 tuluyang naisabatas ang Republic Act No. 11463 o mas kilala bilang Malasakit Centers Act kung saan si Sen. Go ang principal author at sponsor nito sa Senado.