NAGA CITY-Nagbabala ang Naga City Price Coordinating Council sa mga negosyanteng nagbebenta ng substandard na mga Christmas Lights.
Sa panayam ng Brigada News FM Naga kay City Councilor Joe Perez, Chairman ng Committee on Consumer Protection at ng nasabing council binigyang diin na matagal na ang kampanyang ito kasama ang Department of Trade and Industry, ito ay pagbibigay ng proteksyon sa mga mamimili. Marami na kasing pagkakataon na nagiging sanhi ng sunog ang substandard na gamit.
Mababatid na mahigit 300 na mga substandard na Christmas Lights ang nakumpiska sa surprise inspection and price monitoring sa ilang mga mall at supermarket ng grupo nina Coun. Perez noong nagdaang linggo.
Ilan sa mga violators ay hindi pa nadakip noon o mga bagong lumalabag sa batas.
Pagpupunto ni Perez, itigil ito dahil mabigat ang penalidad , maari pang maging sanhi ng kapahamakan ng mamimili.