Hinimok ng Liberia Council of Churches si President George Weah na magbigay ng nationwide address sa gitna ng mga balitang pagkalat ng ritual killings sa kanilang bansa.
Sinabi ng presidente ng grupo na si Bishop Kortu Brown na hindi dapat kalimutan ni Weah na mayroon itong constitutional responsibility sa taumbayan kabilang ang pagtugon sa kanilang pangamba.

Ayon sa report, binalot ng takot ang capital city na Monrovia lalo na sa gabi dahil sa mga patayang nangyayari.
Itinanggi naman ng Police Chief na si Patrick Sudue ang sinasabing ritual killings kasabay ng pahayag na fake news at exaggerated ang mga balita.
Una nang nagpahayag ng pangamba ang Independent Human Rights Commission dahil sa mga natatagpuang bangkay na tinawag nilang “unexplained circumstances”.