Transport group may apela sa DOE kasunod ng panibagong oil price hike

Umapela ang ilang transport group sa Department of Energy kaugnay sa patuloy na pagtaas ng produktong petrolyo sa merkado.

Ayon kay Pasang Masda President Obet Martin sana ay mabigyan pansin ni Energy Sec. Alfonso Cusi ang nangyayari ngayon sa hanay ng transportasyon matapos ang sunod-sunod na oil price hike.

Read More:  DSWD extends aid to family of slain motorcycle taxi rider in Caloocan

Paliwanag ni Martin mahirap para sa kanila kung magtataas ng pamasahe subalit nauubusan na umano sila ng opsiyon.

Read More:  Two suspects arrested in killing of political vlogger Mima Alicia

Hinihiling ng kanilang grupo na mabigyan ng subsidy ang transport sector sa panahong mataas ang presyo ng gasolina.

Iginiit ni Martin na dapat magkaroon ang gobyerno ng maka-pusong pagtingin sa mga mamamayan at public transport lalo na ngayong may pandemic.