Italy nakaranas ng pagbaha dahil sa malakas na pag-ulan

Umabot sa dalawang talampakan ang baha dulot ng dose oras na pagbuhos ng ulan sa ilang bahagi ng Italy.

Ayon sa report, epicenter ng extreme rains ang lalawigan ng Genoa na kilala sa natural beauty and rugged coastlines nito.

Hindi din nakaligtas ang bayan ng Rossiglione o 600 miles mula sa Milan sa tatlong talampakang pagbaha.

Kaugnay nito ay kinumpirma ng weather expert na si Maximiliano Herrera na hindi karaniwan sa ilang bahagi ng Italy ang pag-ulan pero naitala nito ang highest 12-hour rainfall record.

Samantala, dahil sa naranasan ng Italy, ilang expert ang nagsabi na nagiging kapansin-pansin na ang epekto ng climate change sa ilang bahagi ng mundo.