Itinalaga ni Pangulong Bongbong Marcos ang dating president ng Philippine Judges Association at retired Marikina Regional Trial Court o RTC Judge Felix Reyes, bilang Chairman ng Board of Directors ng Philippine Charity Sweepstake Office o PCSO.
Nanumpa si Reyes sa harap ni Executive Secretary Lucas Bersamin ngayong araw.
Bago naging Chairman ng BOD, na-appoint ito bilang acting member ng PCSO Board of Directors mula November 2022 hanggang sa kasalukuyan.
Naging presiding judge din ito ng Taguig RTC Branch 70 mula taong 2017 hanggang 2019; RTC ng Lipa City from February 2011 to September 2021 at RTC ng Calamba City mula 2011 hanggang 2013.