COMELEC – handang magkumento sa petisyon na pinawawalang bisa ang kontrata sa Miru System

Pinaghahandaan na raw ng Commission on Elections (COMELEC) ang komento nito sa petisyong pagpapawalang-bisa sa kontrata kasama ang Miru System Company Limited ni dating Caloocan City Representative Edgar Erice.

Read More:  Ombudsman suspends Senate Sgt.-at-Arms Aplasca

Ayon kay COMELEC Chair George Erwin Garcia, susunod naman sila sa ipinag-utos ng SUpreme Court na tumugon sa loob ng 10 araw.

Kasabay nito, nanindigan si Garcia na wala itinatago ang Comelec sa naging kontrata nila ng Miru, at sumunod sila sa Procurement Law.

Read More:  Palace urges lawful action on Bato ICC arrest issue

Pagtitiyak naman ng opisyal na hindi maaapektuhan ng petisyon ang paghahanda nila sa 2025 elections.