Budget execution ng Marcos Administration para sa 2024, ‘on track’ ayon sa pamahalaan

Hindi nakikita ng Department of Budget and Management (DBM) na magkakaroon ng underspending ang mga tanggapan ng pamahalaan, ngayong 2024.

Sa Philippine Economic Briefing, ibinida ni DBM Secretary Amenah Pangandaman na maganda ang budget execution ng gobyerno para sa kasalukuyang taon.

Read More:  DOLE Region III director suspended following Pampanga building collapse

Anya, ang mga kalihim mismo ng executive branch ang bumalangkas ng National Expenditure Program, upang paglaanan ng pondo ang priority projects ng kanilang tanggapan.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Katunayan ayon sa kalihim, Enero pa lamang ng taong ito, higit 80% na ng national budget ang naibaba ng DBM.

Inaasahan aniya nila na sa kasalukuyan, nagastos na ito ng government offices sa mga proyekto na pinaglaanan nila ng pondo.