‘Reskilling program’ para sa tourist jobs, ipinanawagan

Sa patuloy na pagbubukas ng sektor ng turismo, nanawagan si Senador Joel Villanueva sa Department of Tourism na magkaroon ng re-training sa mga tourism jobs.

Ito ang apela ng mambabatas kasabay ng aniya’y pagtaas ng demand sa tourism workforce matapos ang pagluluwag ng mga travel restrictions at alert levels sa mga tourist destinations.

Read More:  TOWNS Foundation expresses disappointment over Sen. Legarda’s political move

Wika nito, napapanahon na para palakasin pa ang turismo sa bansa lalo na’t nagluluwag na rin ang mga restrictions sa ating mga katabing estado.

Dapat aniyang ipaalala sa mundo ang de-kalibreng ‘Filipino brand’ ng hospitality.

Read More:  New US Ambassador to PH meets with Ambassador Babes Romualdez

Sa pahayag, sinabi ng Senador na maaaring magbalangkas ang DoT ng roadmap kasama ang TESDA para sa pagsasagwa ng training, upskilling, at reskilling program sa tourism workforce.

Umaasa si Villanueva na ito ay magiging bahagi ng magiging susunod na National Tourism Development Plan ng Kagawaran.
#