DA, balak bigyan ng police powers vs agri-smuggling

Suportado ni House Ways and Means Committee chairperson Joey Salceda ang paggagawad ng police powers sa mga tauhan ng Department of Agriculture para mapadali ang pagiimbestiga’t pagpapanagot sa mga nasa likod ng talamak na agricultural smuggling.

Ito ay kasabay na rin ng naging order ng Justice Department sa DA pati na rin sa National Bureau of Investigation na madaliin ang pagimbestiga at pag-prosecute sa mga mapatutunayang sangkot sa mga nabatid na iligal na aktibidad.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Ayon sa mambabatas, nagbigay na sila ng abiso sa DA para gumawa at magsumite ng pormal na request para sa police powers.

Wika ni Salceda, sa ganitong paraan ay mas mabibigyan pa ng kapangyarihan at authority ang Kagawaran sa imbestigasyon ng agri-smuggling, at mapadali ang paghuli sa mga promotor nito.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Giit niya, ang pag-smuggle sa mga agricultural products ay isang malaking banta sa seguridad ng pagkain nating mga Pilipino.

Sa ngayon daw kasi, walang ngipin ang umiiral na Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 kaya naman hindi raw dapat hayaang makahadlang ito sa pag-prosecute sa mga smugglers.

Kagaya ng paghahabol ng Bureau of Internal Revenue sa mga tax evaders, gayon din dapat umano gawing paghahabol ng DA para naman sa mga agri-smugglers.
#