NBA Playoffs: Heat abanse sa next round matapos sunugin ang Hawks sa Game 5

Tuluyan nang tinapos ng Miami Heat ang 2022 NBA playoff run ng Atlanta Hawks matapos kunin ang Game 5, 97-94.

Hindi naging problema sa Heat kahit wala ang mga key players nito na sina Jimmy Butler at Kyle Lowry na kapwa may iniindang injury.

Bumida sa panalo si Victor Oladipo na kumamada ng 23 points habang may 20 points naman ang sentro na si Bam Adebayo.

Susi sa tagumpay ng Miami ang mahigpit na depensa lalo na sa huling limang segundo ng laro matapos nitong mapigilan ang Hawks na makatira para sa overtime.

Humakot ng career-high 35 points si De’andre Hunter para sa Atlanta subalit ang inaasahan nilang scorer na si Trae Young ay gumawa lamang ng 11 points mula sa kanyang 2 of 12 shooting.

Hihintayin ng Heat ang mananalo sa serye ng Philadelphia 76ers at Toronto Raptors na may 3-2 standing pabor sa Philly.