Report na sinuspendi ng Taiwan ang visa-free-entry para sa mga Filipino, ‘fake news’ – MECO

Pinabulaanan ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) head Silvestre Bello III na ang naunang report na umanoy sinuspendi ng Taiwan ang visa-free-entry para sa mga mamamayan mula sa Pilipinas.

Ayon kay Bello labis niyang ikibahala nang mabasa nang makarating sa kanyang ang naturang report.

Read More:  COVID-19 cases in the Ph down 70% compared to last year

Sinabi ni Bello na nakausap niya ang ambassador ng Taiwan at ito mismo ang nagsabing walang katotohan ang naturang balita.

Dagdag pa nang opisyal na posibleng nagkaroon ng misunderstanding dahil nanatili pa rin ang visa-free-entry ng mga Filipino sa naturang bansa.

Read More:  House prosecutor calls ‘kill criminals’ posts ‘cute,’ rejects iron fist

Nabatid na batay sa lumabas na report na maliban sa Pilipinas suspendido din umano ang visa-free entry sa mga bansang Chile, Dominican Republic, Israel, Japan, Republic of Korea, Nicaragua, Singapore, Malaysia, Thailand, Brunei, at Russia.