Tiniyak ni Interior Sec. Benhur Abalos na magiging masigasig sila sa pagpapatupad ng mga health protocols lalo na sa mga lugar na hindi pa pwedeng magtanggal ng kanilang mga facemasks.
Kabilang na dito ang mga crowded areas at mga lugar na walang maayos na bentilasyon.
Ayon kay Abalos aatasan niya ang mga local government units at Philippine National Police na magmonitor upang masigurong nasusunod pa rin ang minimum public health standard sa mga nabanggit na lugar.
Nabatid na sa ilalim ng IATF Resolution No. 1, series of 2022 na nilagdaan nitong Sept. 5, optional na ang pagsusuot ng face masks sa outdoor areas na open space, hindi crowded, at may sapat na ventilation.
Subalit inirerekumenda pa rin ng IATF sa mga senior citizens at mga immunocompromised individuals na magsuot pa rin ng face masks.
Ang lifting ng mask mandate ay ipa-pilot hanggang sa last quarter ng 2022 basta’t may improvement sa COVID-19 booster vaccination coverage.
