Renta ng bus sa Sudan para sa pagpapalikas ng mga kababayan, pumalo na umano ng P1.5-M kada isa

Pumalo umano ng hanggang P1.5-M o 30,000 US dollars ang rental price ng evacuation buses sa Sudan bawat isa, para lang makalabas mula sa deadly conflict ang mga Pilipino na nais magpalikas sa kalapit na Egypt.

Ayon kay Department of Foreign Affairs (DFA) Undersecretary Eduardo Jose de Vega, pamahal ng pamahal ang pagrenta ng bus sa Sudan sa gitna na nagiginig ‘war zone’ na umano ang capital city na Khartoum, dahil sa agawan ng kapangyarihan ng militar at paramilitary forces.

Read More:  Comelec issues subpoena to contributor in Escudero’s election campaign

Bago nito, ang renta ng bus ay nasa 450,000 pesos o 8,000 US dollars.

Read More:  DSWD, PNP build case vs fake Pampanga collapse survivor

Sa kabila nito, sinabi ng DMW na gagawin nila ang lahat para makakuha ng bus.

Mababatid na noong Miyerkules ng gabi nang itaas ng gobyerno ng Pilipinas ang Alert Level 3 status na ibig sabihin ay boluntaryo ang repatriation at evacuation para sa mga kababayan sa Sudan.//MHEL PACIA-TRINIDAD