Tulfo, naalarma sa tumataas na kaso ng autism sa PH

Naalarma si Senator Raffy Tulfo kaugnay sa patuloy na pagtaas sa bilang ng mga tao na nadiagnose na may autism sa bansa, na kinabibilangan din ng mga pamilya na wala namang history ng autism.

Ang pahayag ni Tulfo ay kasabay ng pag-obserba ng National Autism Awareness Month ngayong buwan.

Kaugnay nito, isinusulong din ng senador ang mabilis na pagpasa sa Kongreso ng kanyang Senate Bill (SB) 752, o ang “Autism Cooperation, Accountability, Research, Education and Support (CARES) Act of 2022”, na naglalayung matugunan at pataasin ang suporta para sa mga tao na may autism.

Read More:  Pulong Duterte says Marcos won because of VP Sara

Nabatid na batay sa datos ng Department of Health (DOH), lumalabas na ang bilang ng mga tao na may autism ay lomobo sa 500,000 noong 2008 sa isang milyon noong 2018.

Read More:  BOC disposes remaining vehicles linked to Discaya couple

Samantala, sakaling maipasa ang SB. 752, sinabi ng senador na ang Department of Health (DOH) sa pakikipag-ugnayan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno ay aatasan na magsagawa ng evidence-based research at epidemiological surveys para matukoy ang dahilan, makahanap ng gamot at makapagbigay ng kaukulang tulong ang gobyerno para sa mga pamilya na may autism. //MHEL PACIA-TRINIDAD