“No Segregration- No Collection Policy”, posible umano sa mga barangay ng Puerto Princesa

Posible na umanong maipatupad sa ilang barangay sa Puerto Princesa ang “No segregation-No collection Policy sa ilalim ng Republic Act 9003 Ecological Solid Waste Management Act of 2002.

Ayon kay Special Operation Officer 1 Allan Barte ng City Solid waste Management, patuloy pa ngayon ang pag-update sa 10 year Solid waste management plan ng Puerto Princesa.

Read More:  P136-M shabu hidden in Chinese tea bags seized in Cebu

Katuwang rito ng Pamahalaang Panlungsod ng Puerto Princesa ang US Agency for International Development o USAID-CCBO para sa maayos na waste management.

Bago ipatupad ang polisiya, makikipag-dayalogo ang City Solid Waste Management sa mga barangay na interesadong magpatupad nito sa kanilang nasasakupan.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Samantala, habang hindi pa istriktong ipinatutupad ang polisiya ay kinokolekta na muna ang lahat ng mga basura sa lungsod kahit hindi tama ang paghihiwalay nito, ayon pa kay Barte.