Renewal ng mga business permits sa taong 2023, sisimulan na ngayon araw sa lungsod ng Legazpi

Ngayon araw, Enero 3, ay magsisimula na ang Business Permit and Licensing Office (BPLO) Legazpi sa kanilang pagtanggap ng mga magrerenew ng mga business at licensing papers and permits para sa kanilang mga negosyo.

Ayon kay Siony Calleja, BPLO head ng lunsod, ang bawat barangay ay mayroong nang schedule sa pagpoproseso ng kanilang business permits.

Read More:  8 goats found dead with bite marks in Antique

Aniya, ang tanging barangay na pupunta ay ang naka-schedule, kung saan sila lamang ang kanilang ipo-proseso sa permit.

Hindi naman umano matagal ang proseso sa pagre-renew ng mga business permits at licenses sa lunsod dahil kung tutuusin, hindi naman din marami ang mga requirements o dokumento na kinakailangang isumite sa BPLO.

Read More:  Doctor robbed by riding-in-tandem suspects in Bacolod

Sa ngayon, ang Brgy. 1 EM’s Barrio ang kanilang tatanggaping iproseso dahil sila ang unang naka-schedule habang ang ibang barangay ay sa susunod pang mga araw.

Sinabi pa nito, ang kinakailangan lamang na isumite upang maproseso ang renewal ay ang proof of income, at ang market clearance para sa mga market store holders.