Pamamahagi ng AICS cash assistance, pansamantalang isinara mula ngayong Enero 2023- DSWD Bicol

Nagbigay-abiso ang Department of Social Welfare and Development (DSWD) Bicol na pansamantala munang ititigil ang kanilang pagbibigay ng tulong pinansyal sa ilalim ng programang Assistance to Individuals in Crisis Situation (AICS) simula ngayong Enero 2023.

Ayon kay Donna Osial, Social Welfare Officer IV at AICS section head, taun-taon namang isinasara pansamantala ang nasabing programa at maghihintay muli ang DSWD kung kailan muling magkakaroon na ng pondo.

Read More:  11-year-old child killed, 16-year-old injured after uncle’s knife attack in Negros Oriental

Sa oras umano na magkaroon ng budget, pondo o cast ang rehiyon ay agad naman nilang bubuksan muli ang AICS sa mga nangangailangan.

Read More:  Live bullet and bullying note found inside Bacolod university

Ang AICS ay programa ng DSWD na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga indibidwal na naapektuhan ng kalamidad, sakuna, armadong pakikibaka, at ibang krisis.

Sinabi pa ng opisyal, posibleng magkaroon ng cash ang AICS sa darating na katapusan ng Enero o unang linggo ng Pebrero.