Relasyon ng Sweden at Pilipinas sa nakalipas na tatlong taon, tumatag pa – PBBM

Nagpasalamat si Pangulong Bongbong Marcos kay Swedish Ambassador to the Philippines Annika Thunborg sa papel na ginampanan nito sa pagpapalago pa ng ugnayan ng Pilipinas at Sweden sa nakalipas na tatlong taon.

Sa farewell call ng ambassador sa Malacañang, sinabi ng Pangulo na maraming areas of cooperation ang natuklasan at pinagtulungan ng dalawang bansa.

Nagpasalamat rin ang Pangulo sa patuloy na suporta ng Sweden sa Pilipinas, sa kabila ng iba’t ibang mga hamon.

Read More:  DSWD meets TNCs for assistance rollout

Sa panig naman ng ambassador, nagpasalamat rin ito kay Pangulong Marcos, binigyang diin nito ang kahalagahan ng matatag na balikatan na nabuo ng dalawang bansa, at naniniwala ito na mas yayabong pa ang samahan ng Pilipinas at Sweden.

Samantala, sa isa pang farewell call mula naman sa Ambassador ng Papua New Guinea na si Betty Palaso, sinabi nito na isang karangalan ang maitalaga sa Pilipinas.

Read More:  DepEd launches disaster risk platform

Ikinalugod ni Pangulong Marcos na na-enjoy ng ambahador ang pananatili nito sa bansa.

Sabi ng pangulo, isa sa mga maituturing na bitter-sweet na bahagi ng kanilang tungkulin, ay ang pagpapaalam sa mga bagong kaibigan na nakilala nila sa nakalipas na taon.