Umabot na sa 1,513 tonelada ng basura ang nahakot ng MMDA sa iba’t-ibang lugar sa National Capital Region na dulot ng hagupit ng bagyong Carina at habagat.
Ang kabuuang nahakot ng MMDA Metro Parkways Clearing Group na nakatambak sa mga kalsada ay simula lamang July 24 hanggang August 5.
Ayon kay MMDA Acting Chairman Atty. Don Artes, tuloy-tuloy pa rin ang paglilinis at paghahakot ng basura na iniwan ng bagyo at inaasahan pang dadami ang makokolekta sa mga susunod na araw.
Paalala niya sa publiko ugaliin ang pagse-segregate at pagre-recycle para mabawasan ang mga naiipong basura.