248 dengue cases naitala na sa buong Camarines Sur

NAGA CITY- 248 na ang kaso ng dengue sa buong lalawigan ng Camarines Sur; pinaka marami ito sa buong Bicol Region.

Sa mga bayan at lungsod, pinakamataas ang Naga City na mayroong 30 kaso mula Enero 1 hanggang Hulyo 13, 2024. Sumunod naman ang capital town Pili na may 28 na kaso. Kung titinggan naman ang datos ng Department of Health sa buong rehiyon nakasaad na sa parehong panahon 715 na ang dengue cases kumpara sa 512 na kaso noong 2023.

Read More:  14-year-old PWD dies in Cebu house fire

Kaugnay nito sinabi ni Concepcion Pequeña, Naga City Punong Barangay Francis Mendoza, kahit wala silang kaso lalo silang mag-iingat at pagpapanatili ng kalinisan

Read More:  Davao City plans 20 new buses, digital tracking system

Abiso ng DOH  sa publiko suyurin at sirain ang pinamumugaran ng mga lamok, protektahan ang sarili  laban sa lamok, sumangguni agad sa pagamutan kapag may sintomas ng dengue at sumuporta sa fogging/spraying kapag may banta ng outbreak.