Regional most wanted sa kasong rape, huli sa Tanauan City, Batangas

Naaresto sa ikinasang operasyon ng mga awtoridad ang lalaking nahaharap sa kasong rape sa Brgy. Poblacion 3, Tanauan City, Batangas.

Kinilala ng Tanauan City Police Station ang suspek na si Teotimo Ramirez y Manguiat alyas “Tiyotemo”, 33-anyos, may asawa, tubong Brgy Poblacion 5, Laurel, Batangas at kasalukuyang nakatira sa Brgy. East Bajac Bajac, Olangapo City, Zambales.

Read More:  24 Chinese nationals arrested in Davao del Norte operation

Naaresto ito sa bisa ng warrant of arrest sa inilunsad sa sanib-puwersang operasyon ng Tanauan City CPS at Batangas MARPSTA, SOU 3 nitong Hulyo 19, 2023.

Ayon sa Tanauan CPS, si Ramirez ay itinuturing na isa sa mga Regional most wanted.

Read More:  DOH-XII records 277 new HIV cases in first quarter of 2026

Nangyari ang krimen noong Oktubre 1, 2014 kung saan ginahasa umano ng akusado ang biktima sa Brgy. Luyos, Tanauan City.

Nasa kustodiya na ng naturang himpilan ang naarestong suspek.