Arestado ang dalawang most wanted person na parehong may kinakaharap na kasong panghahalay sa magkaibang lugar sa Sorsogon.
Unang hinainan ng kanyang warrant of arrest si Michael Mendizabal Burton, 46-anyos, may asawa, laborer at naninirhan sa Brgy Behia, Magallanes.
Itinuturing itong No. 1 most wanted person ng Magallanes MPS dahil sa kasong rape na may relasyon sa RA 7610 o child abuse.
Walang itinakdang piyansa ang RTC Br 65, Bulan, Sorsogon sa nasabing kaso.
Nag-ugat ang kaso ni Burton noong taong 2011.
Samantala, naaresto naman ng Bulan MPS ang kanilang No. 6 most wanted person sa Brgy Bical. Kinilala itong si Marlon Obarte Velasco, 30-anyos, binata, magsasaka at residente ng nasabing barangay.
Nahaharap ito sa kasong qualified rape na walang itinakdang piyansa.
Ang pag-aresto ay sa pamamagitan ng bisa ng warrant of arrest na ibinaba ng RTC Br 65, Bulan, Sorsogon.
