NAGA CITY – Posibleng ang Bicol State College of Applied Sciences and Technology (BISCAST), ang kauna-unahang paaralan na magkakaroon ng kursong Bachelor of Science on Cooperative Development sa Bicol Region na nasa Naga City.
Ito ang inanunsyo ni Ronald Bong Rodriguez, Naga City Cooperative Development Council, Co-Chairperson sa isinagawang Kick Off ng Bicol Cooperative Congress 2023 sa lungsod.
Aniya, ito ang pinagsisikapan nila ngayon lalo na’t tumatanda na rin ang mga miyembro ng kooperatiba na kailangan din ma-engage ang mga kabataan padating sa mga Cooperative Development.
Ayon kay Jae Banday, Cooperative Development Authority Region 5, Protocol Officer at Coop. Devt. Specialist, nagkaroon na ng mga pag-uusap sa BISCAST kasama ang Lokal na Pamhalaan ng Naga at may Memorandum of Agreement na din.
Maliban sa layuning dapat ring mapag-aralan at malaman ng mga kaabataan kung paano ang isang Cooperative pinapatakbo, makakapag-offer din ito ng iba’t-ibang trabaho lalo na kapag malago na at malaking tulong sa business industry at ekonomiya.
Hindi pa matutukoy kung kailan ito mangyayari ngunit tiyak na mapangyayari, nasa transition pa kasi ang BISCAST na magiging Southeast Asian University of Technology (SEAUTech).