Regional most wanted person ng Bicol na may kasong panggagahasa, arestado sa Legazpi City

LEGAZPI CITY – Arestado na ng mga otoridad ang isang lalaking tinaguriang Regional Most Wanted Person ng Bicol na may kasong panggagahasa sa Legazpi City.

Read More:  Wounded NPA member rescued after Negros encounter

Kinilala ang akusado na si alyas “Boyet”, 34 anyos.

Nadakip ang akusado dahil sa bisa ng warrant of arrest para sa mga kasong two counts of rape na walang inirekomendang piyansa at rape through sexual assault na may piyansang PHP120,000.

Read More:  UP-Cebu alumnus who campaigned for free education killed in Negros encounter

Sa kasalukuyan ang akusado ay nasa kustodiya na ng Legazpi CPS para sa kaukulang disposisyon.