LEGAZPI CITY – Isinagawa ng Legazpi City Police Station (CPS) ang isang simulation exercise para sa shooting incident sa isang mall sa Brgy. Capantawan ng nasabing lungsod.
Lumahok sa nasabing aktibidad ang mga tauhan ng nasabing himpilan upang paghusayin ang paghahanda at pagtugon sa mga plano, pamamaraan at sistema para sa lahat ng mga panganib at kakayahan.
Ito rin ay isinagawa upang masuri kung ano ang dapat na pagbutihin pa sa mga plano at pamamaraan na epektibo sa panahon ng emerhensya at upang maiwasan ang overlapping measures na maaaring magkompromiso sa kaligtasan at seguridad ng mga mall goers pati na rin ang mga empleyado.