NAGA CITY – Nakatakdang magsasagawa ang Lokal na Pamahalaan ng Garchitorena, Camarines Sur, sa pangunguna ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO) ng Tsunami at Earthquake Drills sa mga barangay at uunahin ang nasa Island Barangay.
Ito ang napag-alaman ng Brigada News FM Naga kay MDRRM Officer, Janet Bombase.
Hindi kasi nila inaalis ang posibilidad ng Tsunami sa kanilang bayan, dahil maliban sa may fault line , may trench sa ilalim ng dagat din na kapag nagkaroon ng lindol maaaring magalaw ang nasabing trench.
Ito palagi ang kaniyang binibigyang diin lalo na sa mga Barangay Officials at mga residente.
Sa 23 barangay kasi sa bayan, 20 mga barangay ang prone sa Tsunami at posibleng aapektuhan n kapag nangyari ito; Barangay Ason, Bahi, Binagasbasan, Burabod, Cagamutan, Cagnipa, Canlong, Dangla, Del Pilar, Denrica, Harrison, Mansangat, Pambuhan, Barangay I (Poblacion), Barangay II (Poblacion) Barangay III (Poblacion), Barangay IV (Poblacion), Sagrada, Sumaoy, at Tamiawon.
Ligtas naman sa tsunami ang Barangay Salvacion, San Vicente, at Barangay Toytoy.
Dagdag pa ng opisyal, hindi kasi maaaring ipawalang bahala ang mga ganitong hazard lalo na’t hindi tukoy kung kailan mangyayari, kinakailangan pa ring laging handa sa paraang matukoy ang mga area o lugar sa bayan na ligtas.
Ang Garchitorena ay nakaharap sa Karagatang Pasipiko.