Regional Directors ng DepEd, DPWH at DA dumalo sa pagpupulong ng Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa Kamara

CAMARINES NORTE- Dumalo ang mga Regional Director ng tatlong ahensiya ng gobyerno para sa organizational meeting at agency briefings sa Special Committee on Bicol Recovery and Economic Development sa Mababang Kapulungan ng Kongreso nitong Martes, Agosto 30.

Kasunod yan ng imbitasyon ni Camarines Norte First District Rep. Josefina Tallado noong nakaraang linggo upang mapag usapan at mahanapan ng solusyun ang mga problemang kinakaharap ng iba’t-ibang legislative district sa rehiyon.

Ang mga dumalo ay sina Regional Directors Gilbert Sadsad ng Department of Education, Virgilio C. Eduarte ng Department of Public Works and Highways at  Rodel P. Tornilla ng Department of Agriculture.

Read More:  NPA regional committee in Caraga collapses as remaining members surrender

Presente ang labingdalawang Kongresista sa Bicol at Partylist Representatives sa naturang pagpupulong na pinamumunuan ni Rep. Tallado bilang Chairperson ng Committee on Bicol Recovery and Economic Development.

Ang Committee on Bicol Recovery and Economic Development ay may mandatong talakayin ang lahat ng usapin at mga bagay na direktang nakakaapekto sa mga polisiya at programa na magsusulong at magpapaangat ng antas ng pamumuhay sa Bicol Region kasama na ang mga developmental projects, care programs at ang Bicol River basin project.

Sa nasabing pagpupulong ay pinagtibay ng mga Kongresista ang Internal Rules na gagamitin sa mga susunod pang pagpupulong at proseso ng pagpapatawag ng Agency Briefing.

Read More:  18 street vendors selling soap along Cebu roads brought to police station

Inalam ni Tallado sa naging Agency Briefing ang kalagayan ng unang Distrito ng Camarines Norte upang magsilbing gabay sa budget deliberations sa mga susunod na araw para sa mga ibabang programa.

Nais umano ng mambabatas na gawing regular ang mga agency briefings ng iba’t- ibang Regional Offices upang  mapag usapan ang sitwasyon ng lahat ng probinsya sa rehiyon at makumpara kung nakakasabay ba ang mga ito sa ibang mga progresibong rehiyon sa bansa.