CAMARINES NORTE- Bigo pa ring matagpuan ang katawan ng isa sa dalawang nawawalang mangingisda mula sa Mercedes, Camarines Norte.
Ito ang kinumpirma sa Brigada News FM Daet, tanghali ng Martes ni Chief Petty Officer Mario Allan Rosales, Acting Public Information Officer ng Philippine Coast Guard sa lalawigan ng Camarines Norte.
Ayon kay Rosales tanging ang katawan lang ni Anecito Herbon ang natagpuan sa lalawigan ng Aurora at wala ang katawan ni Jaypee Fajardo.
Una nang inihayag ng opisyal na nagtugma ang description ng bangka at ang suot na damit ng mga biktima
Pero ng hilahin ang mga ito para itabi at mailibing ng maayos ay isa lang na katawan ang tumambad.
Naghihintay pa ngayon ng kumpletong report ang PCG Camarines Norte mula sa kanilang counterpart sa Aurora.
Una rito ay tumulak patungong Aurora Province noong Lunes ng hapon ang pamilya ng mga biktima.
