Red Cross, suportadong gawing priority ang mabakunahan ang mga guro

Nirerekomenda ng Philippine Red Cross (PRC) na iprayoridad ang mga guro sa vaccination strategy ng gobyerno.

Ito ay matapos ihayag ng Red Cross Youth council advisers at mga guro mula Luzon, Visayas at Mindanao ang kanilang pag-aalala sa mabagal na vaccination rate sa mga guro – lalo pa ngayon na magsisimula na muli ang klase.

Sa pamamagitan ng isang liham, sinabi ni PRC Chairman at Chief Executive Officer (CEO) Senator Richard Gordon kay Deputy Chief Implementer of National Task Force against COVID-19 Secretary Vince Dizon na hindi dapat kalimutan ang mga guro dahil nasa peligro rin ang mga ito kapag naghahatid ng mga modules sa mga remote na lugar.

Read More:  Visayas grid to be placed under yellow alert

Sa kasalukuyan, tinutukoy bilang Priority Eligible A ang mga teachers at mga nagtatrabaho sa media, at kinokonsidera na rin ang mga ito bilang frontliners.

Read More:  Acidre brands Imee Marcos video ‘political vandalism’

Ngunit ayon sa PRC, 140,402 na mga guro pa lamang ang nababakunahan sa buong bansa as of August 1. Nananatiling mababa kumpara sa target na 800,000.

Matatandaan na hinimok rin ng United Nations Educational, Scientific and Cultural Organization (UNESCO) ang mga bansa na iprayoridad ang pagbabakuna sa mga guro upang masiguro na ligtas na maipagpapatuloy ang edukasyon.