Herd immunity laban sa COVID-19, posible sa unang bahagi ng 2022 – Duque

Posible umanong makamit ng bansa ang herd immunity sa unang quarter ng 2022 kapag makapagbakuna ang bansa ng 500,000 COVID-19 vaccines kada araw.

Ayon kay Department of Health Secretary Francisco Duque III, naiulat na kay Pangulong Duterte ng Department of Finance ang inaasahang pagdating ng 195 milyong dose ng bakuna hanggang sa pagtatapos ng taon.

Read More:  DILG chief reveals options given to Jinggoy Estrada as arrest warrant looms

Dahil dito, malalagpasan pa natin ang target na herd immunity na 77 million na mga Pilipino o 70% ng populasyon.

Dagdag pa ni Duque, tiwala silang sapat lang ang mga sosobrang bakuna para macover o mabakunahan rin ang mga hindi kasama sa herd immunity population gaya ng mga bata.

Health Secretary Francisco Duque III and World Health Organization Rabindra Abeyasinghe confirm the first case of Novel Coronavirus in the country during press briefing in Manila on January 30, 2020. The first case is a 38 year-old woman from Wuhan, China who travel via Hongkong to Manila. Photo by Inoue Jaena/Rappler
Read More:  Senate minority ready to challenge Marcoleta’s online attendance proposal

Ayon naman kay former Health chief at Iloilo representative Janette Garin, hindi muna dapat pag-usapan ang herd immunity sa panahon na ito, at mas maigi na pag-usapan na lamang ang kahalagahan ng pagbabakuna ng ikatlong dose.

Tinukoy naman ni Duque na maaaring maging banta pa rin ang COVID-19 ng isa hanggang dalawa pang taon batay rin umano sa projections ng World Health Organization (WHO) at expert groups.