Inabisuhan ni Presidential spokesperson Harry Roque ang mga naghihintay sa political plans ni Pangulong Rodrigo Duterte na maghintay hanggang October 8, na siya ring huling araw ng filing ng Certificate of Candidacy (COC) sa COMELEC.
Ito ay sa gitna ng pahayag ng Pangulo na plano niyang tumakbo bilang pangalawang pangulo ng bansa sa 2022 National Elections matapos siyang inomina ng mga kasama sa PDP-Laban.

Ngunit matatandaan rin na tinanggihan ng dapat na running mate ni Pangulong Duterte na si Senator Christopher Bong Go ang nominasyon nito upang tumakbo bilang presidente.
Sa kasalukuyan, si Senate President Vicente “Tito” Sotto III pa lamang ang opisyal na nag-anunsyo ng balak nitong pagtakbo bilang bise presidente sa susunod na taon.