Recoveries sa COVID-19 sa Bicol pumalo na sa 15.3K

BICOL—Sumampa nasa 15,388 ang total recoveries sa COVID-19 sa Bicol region matapos na magtala ng mataas na bilang ng mga bagong gumaling na umabot sa 295.

Pinakamarami sa mga ito ang naitala sa lalawigan ng Masbate na nasa 139, ang Albay ay may 78, Camarines Norte – 35, Naga City – 23, Catanduanes – 11, Sorsogon – anim at tatlo mula sa labas ng rehiyon.

Samantala, sampong panibagong nasawi ang nadagdag kung kaya pumalo na sa 707 ang death toll. Lima nito ay mula sa Nag City, tatlo sa Masbate at tig-isa ang Albay at Sorsogon.

Umabot naman sa 94 ang panibagong kaso ng sakit na naitala kung saan  32 nito ay mula sa Camarines Sur. Tig-anim ang bayan ng Cabusao at Nabua, lima sa lungsod ng Naga, tatlo sa bayan ng Sipocot, tigdadalawa ang mga bayan ng Buhi, Canaman at Lagonoy at tig-iisa ang mga bayan ng Bato, Calabanga, Camaligan, Milaor, Pili at lungsod ng Iriga.

Read More:  Rider dies after crashing into trailer truck in Davao City

23 bagong kaso ang naitala sa Camarines Norte kung saan sampo nito ay mula sa bayan ng Vinzons, apat sa bayan ng Daet, tigtatlo ang bayan ng Basud at Mercedes at tig-iisa ang mga bayan ng Labo, Talisay at San Lorenzo Ruiz.

15 bagong kaso naman ang nadagdag sa Albay kung saan walo nito ay mula sa lungsod ng Legazpi, apat sa bayan ng Daraga, dalawa sa bayan ng Sto. Domingo at isa sa bayan ng Camalig.

Ang Sorsogon ay nagtala ng 11 bagong kaso kung saan walo nito ay mula sa Sorsogon City, dalawa sa bayan ng Castilla at isa sa bayan ng Bulan.

Walong bagong kaso naman ang naitala sa lalawigan ng Catanduanes kung saan tatlo nito ay mula sa bayan ng Bagamanoc, dalawa sa bayan ng Panganiban at tig-iisa ang mga bayan ng Pandan, Viga at Virac.

Read More:  Kabankalan MSMEs prove their mettle at Negros Trade showcase

Limang bagong kaso ang naitala sa Masbate na mula sa mga bayan ng Aroroy, Cawayanb, Dimasalang, San Fernando at lungsod ng Masbate.

Sa kabuuan, pumapalo na sa 19,712 ang kaso ng COVID-19 sa Bicol region mula nang magsimula ang pandemya.

Kaugnay nito ay patuloy pa rin ang paalala ng Department of Health (DOH) Bicol sa publiko na sundin ang #BIDASolusyon + sa COVID-19 para sa Serbisyong Salud Bikolnon.

𝐁-Bawal ang walang Mask at Faceshield, 𝐈-isanitize ang mga kamay at iwasan ang kulob na lugar, 𝐃-dumistansiya ng isang metro at limitahan ang interaksyon sa iba at 𝐀-alamin ang totoong impormasyon plus Suportahan ang approved na bakuna.### || SLM