Nagawang maitabla ng Milwaukee Bucks ang NBA Finals series sa 2-2 matapos angkinin ang panalo sa Game 4 kontra Phoenix Suns, 109-103.
Sa pamamagitan ng 40 puntos ni Khris Middleton binura ng Bucks ang 9-point na lamang ng Suns sa 4th quarter para makabalik sa serye.

Nag-ambag si Giannis Antetokounmpo ng 26 points at 14 rebounds maliban pa sa magandang depensa nito sa huling minuto ng laro para tulungan ang kanyang koponan sa panalo.
Samantala nabalewala naman ang 42-points performance ni Devin Booker para sa Phoenix.
Dahil sa foul trouble ay napilitan umupo si Booker sa 3rd period hangang sa mangalahati ang huling quarter.
Nagkasya lamang sa 10 points si Chris Paul na may 5 limang turnover kabilang ang crucial possession ilang segundo na lamang ang natitira sa laban.
Susubukan naman makabawi ng Suns sa Game 5 kung saan babalik ang laro sa home court nito sa Linggo.