Record-high Chinese vessels sa WPS, naitala

Halos 300 mga barko ng China ang na-monitor ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mga islang nasasakupan ng bansa sa West Philippine Sea.

Batay sa datus ng Philippine Navy – 251 Chinese vessels ang na-momitor mula September 17 hanggang 23.

Mas mataas sa 157 na mga barko noong September 10-16 monitoring.

Read More:  Bato’s wife appeals against possible Hague transfer

Pinakamarami sa namataan ay Chinese Maritime Militia Vessels sa 204.

Sa naturang bilang, 62 CMMV ang namonitor sa Ayungin at 55 naman sa Sabina Shoal.

Mataas din ang bilang ng CMMV ang na-monitor sa Iroquois reef sa 38.

Read More:  Akbayan endorses Hontiveros for 2028 presidential bid

Samantala, 28 naman ang Chinese Coast Guard Vessels habang 16 ang People’s Liberation Army Navy vessels.

Ayon kay Navy spokesperon for the WPS Rear Admiral Roy Vicent Trinidad, panibagong ‘record-high’ ang bilang na dahil sa weather disturbance at illegal activities ng China sa WPS.