Bahagyang bumaba ang trust and performance ratings ni Pangulong Bongbong Marcos at Vice President Sara Duterte.
Batay sa pinakabagong resulta ng OCTA Research, nagkaroon ng “slightly declined” sa rating ni Marcos, habang may “significant drop” naman kay Duterte.
Lumabas din dito na 69% ang bilang ng mga Pilipinong nagtitiwala kay Marcos – 2% na mas mababa mula sa 71% noong second quarter.
Samantala, lumagpak naman sa 59% ang trust rating ni Duterte mula sa dating 65%.